Dito Pa Rin Ako



Thursday, March 29, 2007
Mga Simpleng Bagay

“Saan ka na pupunta?”

Iyan ang tanong sa amin sa 3rd at huling exam namin sa Kas1. Siyempre, medyo nagulat kami dahil inaasahan namin na iyung 5 librong ini-report ang lalabas sa exam. Pero ganito talaga siya kung magbigay ng test at kakaiba nitong huli. Isang malaking sorpresa. Isang tanong na worth 40 points. “Saan ka na pupunta?”

Sa kalagitnaan ng exam ay ipinaliwanag niya ng maikli kung bakit iyun ang itinanong niya para daw hindi namin isipin na pinati-tripan niya lang kami. Kasi mahalaga daw ito sa “nation – building”. Kung tama ang pagkakaalala ko, ang sabi niya ay mahalaga ito dahil hindi mabubuo ang vision ng isang “nation” kung ang mga mismong tao na dapat kasama dito ay hindi alam kung saan ba sila pupunta.

Oo nga. Simpleng tanong ngunit mahirap sagutin. Ikaw ba saan ka pupunta?

*****

May isang kwento akong ibabahagi sa inyo. Ito ay nasa wikang Inggles galing sa librong The Millenium Stories ni Frank Mihalic. Matatagpuan ito sa pahina 164 at 183. Narito na ang kwento:

What is Our Goal?

Have you heard the anecdote about two men in Mars who were looking down at Planet Earth? As they looked, they wondered why they were scurrying about.
One said to the other, “What they are doing?”

The other replied, “They are going.”

“But,” said the first, “where are they going?”

“Oh,” said the other, “they are not going anywhere. They’re just going.”

“And,” concludes the narrator, “to go just anywhere is the surest way to arrive nowhere.”

So where, then, should we really be going?

The following verse may give us direction.

Do more that move; improve.
Do more that get; give.
Do more than regret; repent.
Do more that look; see.
Do more than sympathize; help.
Do more than attend church; worship.
Do more than build a house; make a home.
Do more than breathe; live.
Do more than live; love.

*****

Kamakailan lang ay nag-oobserba ako sa ugali ng mga Pilipino lalo na sa pagsakay ng dyip.

Madalas nag – uunahan tayo sa pagsakay ng dyip. Minsan naka – pila. Madalas, hindi. At kadalasan mas gusto natin na umupo malapit sa may pasukan. Walang gustong umupo sa dulo. Para nga naman madaling makababa.

Kapag nagbabayad na, kadalasan unintentionally nagkakaroon ng isang designated na taga – abot ng bayad kasi siya ang malapit sa drayber. Pero bibihira naman ang mga tao na pagkatapos pakisuyo ng bayad ang nagpapasalamat. May iba naman na ayaw mag – abot ng bayad ng iba. Kita mo namang nakikita na niya na ipinapaki – abot sa kanya ay hala dedma lang. Iyung iba, biglang natutulog o di kaya magtetext o di kaya titingin sa malayo. May iba namang ubod ng bait na halos lahat ng bayad ay iabot niya kahit pa malayo sa kanya. Pero bihira lang sila.

Kapag may pumara at may sasakay na pasahero automatic na mag – uusuran lahat ng nakasakay na malapit sa may labasan at pahihirapan pa ang sumasakay dahil sa malayo pa siya uupo. Minsan kapag medyo mukhang puno na pero di naman, ayaw umusad ng konti para maka – upo ng maayos ang pasahero. Kapag punuan na, may ilang mga kalalakihan na gentleman at siya ang medyo uusad palabas para makaupo ang ibang pasahero lalo na ang mga babae o di kaya minsan mga matatanda.

Sa pagtakbo naman ng dyip halos lahat ng drayber ay mabilis magpa – takbo. Siyempre ayus lang iyun para sa mga mahuhuli na kaya lang takaw – aksidente naman. Pero may ilan naman na maganda naman ang dyip pero ubod ng bagal kahit walang trapik na hindi mo malaman kung talagang malayo ba ang pupuntahan o may sinusundan kayong libing.

Sa pagbaba naman sa dyip, may ilan na sumusunod sa tamang babaan. Pero sa mga probinsya gaya dito sa Bulacan, talagang kapag pumara kelangan sa tapat mismo ng bahay nila hihinto. Lumagpas lang ng konting metro, nagrereklamo na. Tapos ang nakakinis pa ay iyung may kakababa lang, wala pang sampung metro meron na naman. Anak ng tinapa, para namang mauubos ang energy nila sa paglalakad ng sampung metro. At minsan talagang sunud-sunod na masisira ata ang brake ng dyip kaka-preno.

Hindi pa diyan kabilang ang mga natutulog ng nakabukas ang bunganga at tumutulo pa ang laway (isa ako sa mga ganun…hehe…) iyung mga malalakas magtsikahan ng buhay ng kung sino at iyung mga hindi nagbabayad ng pamasahe.
Pero sa nakita ko, nandoon na sa mga ugaling iyun ang dahilan kung bakit hindi pa rin tayo umuunlad. Sa pagsakay na lamang ng dyip, nag – uunahan tayo. Walang gustong magbigay kasi baka maunahan sa upuan. Unahan. Walang bigayan. Nagtutulakan pa.

Simple lang pala ang paraan para malaman kung bakit hindi tayo umuunlad. Sumakay ka sa dyip.

Labels: , ,

posted by J.D. Lim @ 3/29/2007 11:21:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
 

Dito Pa Rin Ako

↑ Grab this Headline Animator


about me
My Photo
Name:
Location: Bulacan, Region III, Philippines

The journey is just beginning.



Previous Posts
Archives
Links
Chatbox



Counter/Listings

Hit Counter
Macys Coupons

Listed on BlogShares

Page Ranking Tool


My blog is worth $1,693.62.
How much is your blog worth?


Template By
Free Blogger Templates
 
 

Business Affiliate ProgramsSalePersonalsAdvertisingShopping