Ang daming tao sa taas noh? Pero kakaunti pa rin iyan kumpara sa mga taong ayaw nang tumira sa Pilipinas. Sana nga lang pagkatapos mong mabasa ang mga post sa blog na ito. Hindi mo na iiwan ang Pilipinas.
Simple lang ang gusto ko. Makita mo na may pag-asa pa dito at talagang meron pa. Simple pero kumplikado. Ang gulo noh? Sana naman kahit papaano mapupukaw ko ang inyong kalooban na mahalin pa ang Pilipinas... O kung hindi man, mas lalo mong kamuhian... Na huwag naman sana... Sa Filipino ko isinulat ang blog na ito dahil sino pa ba ang kailangang bumasa nito kundi ang kapwa ko Pilipino. Usapang magkapatid. Walang ibang hahalo. Tayo-tayo lang. Sana ito na nga ang maging daan para bumangon na ang natutulog mong pagmamahal sa bansa.
|